AKO SI MAGITING
Talumpati ni Consolacion P. Conde
Nangingiti kayo, sapagkat narito ako sa inyong harapan. Nagbubuka ako ng bibig at pilit kong pinalalaki ang aking maliit na tinig!
Tunay, ako’y musmos pa lamang kung inyong pagmamasdan. Subalit ang aking puso ay singhugis at sinlaki na rin ng inyong dibdib. Pahat man ang aking diwa ay nakauulinig ang aking pandinig at nakakakita ang aking mga mata. Nadarama ko ang agay-ay ng hangin, ang init ng araw, ang pintig ng buhay. Nalalasahan ko ang linamnam ng ligaya at tamis ng tuwa. Nananamnam ko ko ang pait ng apdo at saklap ng dalamhati. Nahuhulo ko na rin ang ganda ng kabutihan at ang kapangitan ng kasamaan.
Kahapon ay nasaksihan ko kung papaanong inaakay ng isang batang lalaki ang isang matandang ina. Sa kapalaran ng mataong lansangan ay tumawid sila; at ang matanda ay nailayo sa panganib at kamatayan. Aniko sa sarili, gayundin ang dapat kong gawin!
Ngunit kangina, sa tindahan ng Intsik sa panulukan ay nanghilakbot ako sa aking nakita. Mga binatilyong kagayo ko, dapatwat mayn hawak na bote ng alak at sa mga bulang kanilang nilalagok ayn unti-unting sila’y nangawala sa kanilang mga sari-sarili. Maya-maya pa’y naghalibasan sa isa’t isa. Ang ilan ay nangalugmok at nangahandusay. Ang iba’y sugatang nagsiapaktakbuhan. O! nakasusuklam na panoorin...Naibulong ko na lamang: A, hindi ko dapat pamarisan sila!
Katutunghay ko pa lamang sa pahayagang ngayon ay aking dala. Isang panawagan sa kabataan na magpatala upang ihanda ang kanilang sarili sa pagsasanggalang sa kalayaan ng bayan. Kaya naman, ako...akong nabibilang sa kabataan ay naririto ngayon at dumudulog sa inyo! Opo, ako...akong si Magiting ay naririto upang ilaan ang aking sarili sa paglilingkod sa Lupang Tinubuan!
Bakit kayo nangingiti? Bakit nga? Bakit ninyo ako pinagmamasdan mula paa hanggang ulo?...mula ulo hanggang paa? Bakit? A, dahil ba sa ako’y pilay? At putol ang isang paa? Iyan ba ang dahilan kung bakit nag-aatubili kayong ako ay tanggapin? Iyan ba ang sanhi kung bakit minamaliit ninyo ang aking alok na paglilingkod?
Mga ginoo, nagkakamali kayo! Ako’y naririto upang magpatala – upang lumaban, hindi...upang tumakbo!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment